27

By

Singil sa tubig, tataas sa Hulyo

Sharing is caring!

Magpapatupad ng dagdag-singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water umpisa sa susunod na buwan ng Hulyo.

Sa harap ito ng patuloy na paghina ng palitan ng piso kontra sa dolyar nitong nakalipas na mga araw.

Magtataas ang Manila Water ng P5.21 sa mga kumukunsumo ng 10 cubic meter habang P11.55 naman sa kumukunsumo ng 20 cubic meters.

Ang Maynilad ay magdadagdag naman ng P0.23 sa mga kumukunsumo ng 10 cubic meter at ng P0.80 sentimos sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meter.

Ang napipintong pagtaas sa singil ay bungsod ng foreign currency differential adjustment.

Nitong Huwebes nagsara ang palitan ng piso kontra sa dolyar sa P53.27 mula sa 53.23 noong Miyerkules.

Sa ilalim ng concession agreement ng Maynilad at Manila Water sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), pinapayagan ang mga ito na magpatupad ng price adjustment sa singil sa tubig depende sa palitan ng piso kontra sa dolyar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?