161

Dec 17, 2017 @ 11:48
By

Singil sa tubig ng Maynilad tataas sa 2018

Simula Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) sa mga consumer nito sa WestZone.

Sa advisory ng Maynilad sinabi nito na kabilang sa maapektuhan ng water rates adjustment ay ilang lugar sa Manila, Quezon City at Makati, ang buong Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas,Malabon Cavite, Bacoor,Imus, Kawit, Noveleta at Rosario pawang sa Cavite province.

Ang pagtataas ng singil ay resulta ng Consumer Price Index Adjustment na P0.97/cu.m at ang pagbibigay ng go signal ng MWSS na maningil ang Maynilad ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) na katumbas ng 0.60%.

Sa kumpyutasyon ng Maynilad, ang mga customers na kumukunsuno ng 10 cubic meters pababa o ang tinuturing na lifeline customers ay magkakaroon ng pagtaas na P2.70 mula P118.95 ay magiging P121.65, sa mga kumukunsuno naman ng 20 cubic meters kada buwan ay tataas ang kanilang water bill ng P10.18 o mula P445.56 ay magigng P455.74, ang mga kumukunsuno naman ng 30 cubic meters kada buwan ay P20.78 ang magiging pagtaas mula P909.54 ay magiging P930.32.

Ipinaliwanag ng MWSS na ang FCDA ay isang tariff mechanism na ibinibigay sa mga utility companies upang marekober nito ang kanilang pagkalugi resulta ng pagbaba ng piso laban sa dolyar dahil na rin sa may binabayaran umano ang Maynilad na mga foreign -dominated loans para pondohan ang kanilang service improvement projects.

Sa datos ng MWSS mula 2007 ay nasa P140B ang ginastos ng Maynilad para pondohan ang kanilang water at wastewater operations sa West Zone. (Tina Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?