tubig

Singil sa tubig, bababa sa Abril

Sharing is caring!

Asahan na ang mas mababang singil sa tubig sa darating na Abril para sa mga customer ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.

Inihayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na inaprubahan ng board of trustees nito ang second quarter foreign currency differentials adjustment (FCDA), kaya bababa ang singil sa tubig.

Nabatid na simula April 1, 2018, bababa ng P0.04 per cubic meter (/cu.m.) ang singil sa Manila Water habang P0.01/cu.m. naman sa Maynilad.

Sakop ng Manila Water ang East Zone kabilang ang Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, at Marikina. Bahagi rin ng concession area nito ang southeastern Quezon City, Sta. Ana, San Andres sa Manila, at ang mga munisipalidad ng San Mateo, Rodriguez, Cainta, Taytay, Angono, Baras, Binangonan, Jala-jala, at Antipolo City sa Rizal.

Sineserbisyuhan naman ng Maynilad ang ilan bahagi ng Quezon, Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Valenzuela, Navotas, at Malabon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?