38

Oct 16, 2017 @ 15:50

Singil sa paper billing, pinatitigil

Tumugon na ang isang telecom giant sa panawagan ni Senadora Nancy Binay na itigil ang paniningil sa paper billing.

Ayon kay Binay, masaya sila sa naging desisyon ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) na hindi na mangolekta ng P50 para sa paper billing ng kanilang mga subscriber.

Kasabay nito, muling hinikayat ni Binay ang iba pang kumpanya na sundan ang yapak ng PLDT at unahin ang kapakanan ng kanilang mga subscriber.

Una nang umapela ang senadora sa telco companies na suspendihin muna ang paniningil habang hindi pa naglalabas ng opinyon hinggil dito ang National Telecommunications Commission (NTC).

Aniya, nagtataka siya kung bakit kailangang akuin ng konsyumer ang gastusin sa paper billing na dapat ay bahagi ng customer service ng mga ito.

Posible umanong milyun-milyon ang dagdag-kita ng mga telcom companies dito.

Naghain na si Binay ng resolusyon upang imbestigahan ang dagdag-singil na ito subalit dahil abala ngayon ang Senado sa budget at tax reform bills ay hindi pa naitatakda ang hearing para rito. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?