77

By

Singil sa kuryente tataas sa Enero dahil sa tax reform bill

Sharing is caring!

Nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian sa higit pang pagtaas ng bayarin sa kuryente.

Bunsod ito ng pasya ng mga senador na ipaloob sa tax reform bill ang 3,000 porsiyentong pagtataas ng buwis sa coal o uling na ginagamit sa pagpapatakbo ng mga planta ng kuryente.

Ayon kay Gatchalian, P10 lamang ngayon ang buwis sa bawat metriko tonelada ng uling. Ito ay para manatiling mababa ang presyo ng uling dahil ginagamit sa pagsisindi ng mga planta ng kuryente.

Pero iginiit nina Sen. Loren Legarda at Sen. Joel Villanueva na gawin nang P300 ang buwis sa bawat metriko tonelada ng uling sa loob ng tatlong taon dahil dekada ‘70 pa raw na mababa ang buwis nito.

Diin ni Gatchalian, 50 porsiyento ng suplay ng kuryente ay galing sa coal plant.

Sa kaniyang tantiya, kapag tumaas ang excise tax sa uling ng P100 kada metriko tonelada sa unang taon pa lamang, magtataas ang singil sa kuryente ng P4.78 kada kilowatrahe.

Kapag tumaas ito sa P200 na buwis kada metriko tonelada sa ikalawang taon, tataas ang bayarin sa kuryente ng P9.57/kwh.

Sa ikatlong taon na pumalo sa P300 ang buwis sa kada metriko tonelada ng uling, madaragdagan ng P14.35 ang singil sa bawat kilowatrahe ng kuryente.

Sa tatlong taon, kabuuang P28.70 ang itataas ng singil sa bawat kilowatrahe ng kuryente.

“Kapag P300 ang itataas sa buwis sa uling, tataas yan ng about P28/kw ang babayaran sa kuryente. Ang takot ko lang ang P28 halos kalahating kilo ng bigas yan eh. So tatanggalan natin yung mga pamilya ng kalahating kilo ng bigas,” ayon kay Gatchalian. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?