91

Mar 6, 2020 @ 15:53
By

Singil sa kuryente, tataas ngayong Marso

Magmamahal ng P6 ang bill sa kuryente ngayong buwan dahil sa pagtaas ng generation charge.

Sabi ng Meralco, tataas ang singil sa kuryente ng P0.0278 per kWh sa P8.891 per kWh mula sa P8.8623 per kWh nung Pebrero na katumbas ng P6 sa bill ng mga typical household na ang konsumo ay nasa 200 kWh sa isang buwan.

Ayon sa Meralco, nagmahal ang generation charge sa P4.6632 per kWh ngayong buwan mula sa P4.5090 per kWh nung Pebrero.

Nagmahal daw kasi ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market ng P1.0479 per kWh dahil sa outage ng ilang planta kaya naipit ang suplay ng kuryente sa Luzon grid na nagpataas ng presyo nito.

Sabi ng Meralco, lumiit ang taas sa kanilang sisingilin dahil may mga ire-refund sa mga consumer tulad ng overrecoveries sa pass through charges at ang one-time adjustment sa universal charge-NPC stranded contract costs.

Ang ire-refund na overrecovery ay galing sa siningil nung January 2012 hanggang October 2013 na gagawin sa loob ng tatlong buwan.

Para sa residential customers, pinababa nito ang singil ng 5 sentimos per kWh.

Babawasan din ng 14.53 sentimos per kWh dahil sa rate reversal na iniutos ng Energy Regulatory Commission mula sa sobrang koleksyon para sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?