52

Feb 10, 2018 @ 13:53

Singil sa kuryente tataas ng P1 kada kwh

Unang pagtataas sa singil sa kuryente ngayong taon ang ipapatupad ng Manila Electric Co. (Meralco) sa monthly bill ng Pebrero ng consumers.

Inanunsiyo na ng Meralco ang dagdag na P1.08 kada kilowatt-hour sa February bill dahil sa mataas na generation charges.

Nilinaw naman ng Meralco na hindi sisingilin nang isang bagsakan ang naturang dagdag-singil para na rin sa kapakanan ng kanilang consumers.

Sakaling maimplementa nang buo, ang mga kumukonsumo ng 200 kwh sa isang buwan ay makakaramdam ng dagdag na P216 sa bill.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?