160
Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Hulyo
Jul 9, 2019 @ 16:04
By

Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Hulyo

Asahan ang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong Hulyo matapos ianunsiyo ng Meralco ang pagbaba ng P0.1068 kada kilowatt hour ng overall rate nito.

Base sa pahayag ng Meralco, ito’y matapos magkaroon ng pagtaas sa generation charge sa suplay noong Hunyo.

Ang isang household na kumukonsumo ng 200 kwh ay makakaranas ng pagbaba ng P9.9850/kwh ngayong buwan mula P10.0918/kwh noong Hunyo o nasa P21.36 ang bawas sa total monthly bill.

Para naman sa mga gumagamit ng 300 kwh, 400 kwh at 500 kwh, mararamdaman ang bawas singil na P32.04/kwh, P42.72/kwh at P53.40/kwh.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?