115

Dec 28, 2017 @ 16:03
By

Singil sa kuryente, bababa sa Enero

Muling inanunsiyo ng Manila Electric Company o Meralco na bababa ang singil nila sa kuryente sa unang buwan ng 2018.

Ito ay dahil sa inaasahang malamig na panahon na kung saan ay hindi kumukonsumo ang mga residente ng mataas na metro dahil sa maaliwalas na klima at lower demands na paggamit ng kuryente.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, bukod sa malamig na klima at pagbaba ng demands sa kuryente, bumaba rin ang konsumo sa power plant outages na napapanatili ang lebel ng paglabas ng kuryente at nagresulta ng lower capacity fees na malaking pabor naman sa mga consumer.

Tiniyak pa nito na magugulat na lang ang mga consumer sa pagbaba ng singil sa kanilang electric bill sa Enero.

Matatandaang una nang inanunsiyo ng Meralco na nagbaba na sila ng singil sa kuryente ng P0.3785 per kilowatt hour (kWh) ngayong Disyembre dahil sa paglakas ng piso kontra sa dolyar.

Dagdag pa nito, mas maganda ang sitwasyon ng power grid noong Oktubre kaya nagkaroon ng reduction sa December bill.

Samantala, nagbabala naman si Zaldarriaga na posibleng bumawi naman ang Meralco sa Pebrero dahil sa pagtaas ng buwis sa coal sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Mula sa P10 per metric ton, ang buwis ng coal ay tataas sa P50 per metric ton sa 2018 na nangangahulugan na tataas ng P100 at P150 pagdating ng 2019. Asahan na tataas ang singil ng kuryente ng 1.52 sentimo per kilowatt hour sa 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?