31

Singil sa kuryente bababa ngayong Disyembre

Sharing is caring!

Good news ngayong Kapaskuhan ang anunsiyo ng Meralco na bababa ang kanilang singil sa kuryente ngayong Disyembre.

May tapyas na 38 sentimo sa kanilang singil ang Meralco dahil sa pagbaba ng kanilang generation charge.

Dahil dito, ang isang tipikal na bahay na sineserbisyuhan ng Meralco na komukonsumo ng 200 kilowatt per hour (kwh) sa isang buwan ay mababawasan ng P75 sa kanilang December bill.

Makakatipid naman ng P113 ang komokunsumo ng 300 kwh sa isang buwan, habang P155 ang sa 400 kwh.

Para naman sa may konsumong 500 kwh sa kanilang December bill ay mababawasan ito ng P189.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?