98

Dec 12, 2017 @ 16:16
By

Singil sa kuryente bababa ngayong Disyembre

Asahan na ng mga konsyumer ng kuryente na nakakakonsumo ng 200 kilowatt hour na mababawasan ng hindi bababa sa P76 ang mababawasa sa kanilang Meralco bill ngayong Disyembre.

Inanunsiyo ng Meralco na ngayon buwan mababawasan ng P0.378 per kWh ang singil sa konsumo sa kuryente bunsod nang pagbaba ng P0.303 per kWh sa singil nila sa generation charge.

Ang pagbaba ay bunga nang paglakas ng halaga ng piso kontra sa dolyar at mababang singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Ito ay sa kabila na rin nang bahagyang pagtaas ng demand para sa kuryente sa Luzon noong nakaraang buwan.

Gumanda rin ang lagay ng suplay ng kuryente kung ikukumpara noong buwan ng Oktubre, kung kailan nagkaroon ng tatlong pagkakataon na itinaas ng ‘Yellow alert’ ang National Grid Corp., of the Philippines dahil sa pagbagsak ng ilang power plants.

Nabatid na bumaba din ng P0.0186 per kWh ang transmission charge, gayundin ang ilang buwis na kaakibat nang paggamit ng kuryente. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?