r-kelly
By

Singer R. Kelly, kinasuhan ng ex na hinawaan niya ng herpes

Sharing is caring!

Inaakusahan ang singer na si R. Kelly ng dati nitong karelasyon ng pang-aabuso at paghawa sa kanya ng sakit na herpes.

Sa kasong isinampa ng biktimang si Faith Rodgers sa New York City, sinabi nito na nakaranas siya ng “mental, physical at verbal abuse” noong ka-relasyon pa niya ang singer.

Dagdag pa ng 20 anyos na biktima, ikinukulong din umano siya ni R. Kelly sa kuwarto at sasakyan bilang kaparusahan.

Tumanggi ang kampo ni R. Kelly na magkomento sa kaso pero nauna na itong itinanggi ng mang-aawit nang ipa-blotter ito ni Rodgers sa Dallas.

Si Rodgers ang pinakahuli sa serye ng mga babae na lumantad para akusahan ang singer ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?