42

Feb 26, 2020 @ 11:57
By

Singer Duffy ‘ni-rape, drinoga, binihag’

Nagparamdam na sa wakas ang Welsh singer-aktres na si Duffy, at nilantad na siya ay “ni-rape, drinoga, at binihag.”

“The truth is, and please trust me I am ok and safe now, I was raped and drugged and held captive over some days. Of course I survived. The recovery took time,” hayag sa verified Instagram account ni Duffy, Aimee Anne Duffy in real life, ngayong Pebrero 26, 2020.

“You wonder why I did not choose to use my voice to express my pain? I did not want to show the world the sadness in my eyes. I asked myself, how can I sing from the heart if it is broken?,” lahad pa nito.

Isasapubliko aniya ng 35-anyos na star ang isang panayam ukol sa mga nangyari sa kanya sa mga susunod na araw. Sa ngayon, hiniling ng singer ang suporta ng kanyang mga fan.

“Please respect this is a gentle move for me to make, for myself, and I do not want any intrusion to my family. Please support me to make this a positive experience,” wika ni Duffy.

Matatandaang ang album niyang “Rockferry” ang naging biggest selling album ng UK noong 2008.

Nanguna naman ang album niyang “Mercy” sa 12 bansa, na nakabenta ng higit 500,000 kopya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?