31

By

Singaporeans umurong sa 3×3

Umatras ang Singapore sa paglahok nito sa mga basketball event na iho-host ng bansa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nobyembre 30-Disyembre 11 sa Fil-Ol Flying V Arena sa San Juan at sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Ito ang inihayag, Miyerkoles, Okt. 30, ni SEA Games basketball event competition manager at Samahang Basketbol ng Pilipinas Deputy Director Bernie Atienza nang malaman ang kumpirmasyon sa pag-urong ng Singaporeans sa women’s 3×3 at 5-on-5 o basketball.

“PHISGOC (Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee) Sports Services Rachel Dumuk just gave me final confirmation that Singapore women’s basketball and Women’s 3×3 are out of the Games,” sabi ni Atienza.

“So final number would be 8 men’s teams and 6 women’s teams in basketball, and 8 men’s teams and 6 women’s teams in 3×3,” anang opisyal, na agad na nagpagawa rin ng panibagong iskedyul sa men’s and women’s 3×3 at basketball.

“We will issue out our Revised THB, including The Final Games Schedule for both Basketball and 3×3,” wakas niya.

Una nang umayaw ang Singapore sa SEAG women’s indoor volleyball upang maiwan na apat na koponan na lang ang maglalaban sa nasabing event, ayon kay Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. secretary general Ariel Paredes.

Ang mga ito ay ang ‘Pinas, Vietnam, Indonesia at 11-time champion Thailand. Unang nagpasabi ng ‘di paglahok ang Malaysia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?