83
gallup
Jun 20, 2018 @ 23:44
By

Singapore, Norway, Iceland ‘safest country’- Gallup

Nanguna ang Singapore, Norway at Iceland sa survey ng pinakaligtas na bansa sa buong mundo base sa law and order report ng Gallup.

Resulta ito ng survey ng Gallup sa 1,000 residente sa 142 na bansa na tinanong kung gaano kaligtas ang kanilang mga bayan.

Lumabas sa survey na sampu sa pinakaligtas na bansa ay matatagpuan sa Asya at Western Europe.

Samantala, matatagpuan naman sa South America ang pinakamapanganib na bansa sa ikalawang magkasunod na taon kasunod ng Afghanistan at South Sudan.

Narito ang top 10 na pinakaligtas na bansa sa buong mundo sa 2018:

1. Singapore
2. Norway
3. Iceland
4. Finland
5. Uzbekistan
6. Hong Kong
7. Switzerland
8. Canada
9. Indonesia
10. Denmark

Nanguna naman sa listahan sa regional level ang Estados Unidos at Canada na sinundan ng Southeast Asia at Western Europe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?