22

Nov 21, 2021 @ 17:54
By

Sinesanteng 600 Dubai OFW, ibabalik sa trabaho – DOLE

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Linggo na nasa 600 OFW na dating nagtatrabaho sa Dubai ang muling kukunin ng kanilang kompanya.

Ayon sa ulat, ang mga naturang OFW ay mula sa Dubai Duty Free, na tinanggal dahil sa pandemya ngunit ngayo’y kukuning muli dahil sa pagsigla ng ekonomiya roon.

“During the pandemic, Dubai Duty Free needed to lay off some workers. But with the revival of the economy here, the management reached out to us and we have a special facilitation for them,” pahayag ni Labor Attache John Rio Bautista.

Bukod sa mga galing Duty Free, magdadagdag din umano ng mga health worker ang United Arab Emirates, partikular ang mga Pinoy.

Dugtong pa nito, mula sa mga household service worker na hiningi ng UAE sa Pilipinas noong Abril ay nasa mula 6,000 hanggang 7,000 Pinoy na ang naipadala sa Dubai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?