299
manny-pacquiao-floyd-mayweather

Sineryoso ang exhibition! Pacquiao nagpatama kay Mayweather

Sharing is caring!

Muling pinasaringan ng ‘Ang Pambansang Kamao’ na si Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. sa naging mabilis na pag-knockout nito kontra sa Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa.

Sa panayam sa fighting senator sa boxingscene.com, ibinigay nito ang kanyang kuro-kuro sa naging laban ni Mayweather na nagtagal lang ng isang round.

Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita si Pacquiao ng exhibition match kung saan kating-kati ang dominanteng boxer na pabagsakin ang kalaban.

“It’s my first time to see an exhibition where you knock your opponent out. Supposedly, an exhibition is just to entertain people, nothing serious, for three rounds. But that’s what I understand about exhibitions,” pakli ni Pacquiao.

Matatandaan na pagkatapos ng naging laban ni Mayweather ay nag-tweet si Pacquiao na buwelta rin sa boxing match ng undefeated boxer.

“Here is an early New Year’s resolution. To continue to only fight experienced opponents who are my size or bigger,” saad ng 40-anyos na Pinoy legend. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?