11

Mar 3, 2021 @ 17:32
By

Sinehan sa mga GCQ area pinayagan nang magbukas ng DTI

Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Memorandum Circular (MC) No. 21-08 upang payagan nang magbukas ang mga sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula Marso 5.

Nakasaad sa MC na hanggang 25 porsiyentong kapasidad lamang pinayagan ang mga sinehan sa mga GCQ area.

Bawal ang pagkain at pag-inom sa loob ng sinehan at dapat laging nakasuot ng face mask ang mga moviegoer. Kailangan din ang isang metrong distansiya ng bawat isa.

Samantala, puwede na ring magbalik operasyon ang mga library, archive, museum at cultural center sa 50 porsiyentong kapasidad sa mga GCQ area habang 75 porsiyentong kapasidad sa mga MGCQ area.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?