35

Oct 13, 2021 @ 21:09
By

Sinehan puwede na magbukas

Pinayagan na ang pagbubukas ng mga sinehan sa limitadong venue capacity.

Ito ay dahil sa nakatakdang pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila simula Oktubre 16 hanggang Oktubre 31, ayon sa Inter-Agency Task Force.

Kabilang sa pinayagang aktibidad o establisyimento sa hanggang 30% indoor venue capacity para sa mga bakunado at hanggang 50% sa outdoor capacity ang lugar para sa meeting, conference, exhibition, party at wedding reception; mga tourist attraction gaya ng library, museum at amusement park.

Gayundin ang mga recreational venue gaya ng internet cafe, billiard hall, amusement arcade, bowling alley, skating rink, swimming pool at iba pang katulad na venue; cinemas at movie houses.

Religious gathering, burol, libing, dine-in sa mga restaurant at iba pang kainan; limitadong face to face class para sa kolehiyo at technical-vocational education and training.

Kasama rin ang mga personal care establishment tulad ng barberya, salon at reflexology; fitness studio, gym; venue para sa mga non-contact sports at exercise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?