98

Jun 23, 2022 @ 12:45
By

Sindikato sa likod ng agri smuggling kayang matibag ni Marcos Jr – Dar

Naniniwala si outgoing Agriculture Secretary William Dar na kayang lutasin at linisin ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sindikato ng smuggling ng mga agricultural products sa sandaling hawakan na nito ang ahensiya.

Sa Laging handa public briefing, sinabi ni Secretary Dar na malaki ang tiwala niya sa kakayahan ng bagong Pangulo na alisin ang mga taga-gobyerno na sangkot sa smuggling sa bansa hindi lamang sa DA kundi sa bang ahensiya gaya ng Bureau of Customs na sinasabing kasabwat din umano sa agricultural smuggling.

“Dapat iyon po ang isang pagtuunan po. Yes, malaki po ang tiwala natin,” ani Dar.

Patuloy aniya ang ginagawa silang imbestigasyon sa agricultural smuggling at ang iba ay inilipat sa ibang puwesto para hindi makapagpatuloy sa kanilang ginagawa.

“We continue to do our collection of evidence, kasi we need to really have evidences to nail down our people. Mayroon na kami. Meanwhile, we have reassigned some of these people doon sa areas na hindi nila maituloy iyong malpractices nila,” dagdag ni Dar.

Tiniyak ng kalihim na pananagutin nila ang mga kawani at opisyal ng DA na nakikipag-sabwatan sa mga sindikato dahil disbentahe ito sa mga lokal na magsasaka.

Ang agricultural smuggling ay nabunyag sa imbestigasyon ng Senado matapos dumagsa ang mga produktong agrikultura sa bansa mula sa isang mga bansa, partikular ang mga gulay na hindi pinapayagan sa batas kaya nakompromiso ang mga lokal na produkto ng mga magsasaka na naging dahilan ng pagkalugi ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?