468

Jul 10, 2019 @ 17:20
By

Sindikato sa BoC, ikinanta ng sinibak na district collector

Ikinanta ni Bureau of Customs (BOC) District Collector Atty Erastus Sandino Austria na may sindikato sa loob ng ahensya na kinabibilangan nito sa kabila ng pagpupursige ng Duterte administration na linisin sa katiwalian.

Sa pulong balitaan sa QC, sinabi ni Austria na dating BOC Spokesperson na ang isa sa mga patunay ay ang ginawang cover-up sa isang bilyong halaga ng “Tapioca Shabu” na nakalabas ng daungan at nakarating ng Malabon City noong Mayo 24, 2019.

Aniya, kataka-taka na nakalusot ito sa kamay ng Customs officials at PDEA na kalaunan ay gumawa na lang ng statement na isa daw itong controlled shipment at bahagi ng isang entrapment operation.

Binigyang halimbawa pa ni Austria na ang Del Rosario Group na isa lamang sa mga sindikato umano na gumagalaw sa BOC .

Sa kabila nito ipinagmalaki pa rin nig opisyal na tumaas ang revenue collection ng ahensya sa panahon ni pangulong Duterte.

Noong Lunes naglabas ng relieve order si Customs Commissioner Rey Guerrero sa 9 na District Collector kasama na si Austria na inilipat sa Port of Davao na dati na rin nitong pinanggalingan.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas si Duterte kung sino-sino ang sinasabi nitong mga sisibakin sa BOC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?