SHABU9

Sindikato ng droga sa Mandaluyong nalansag; 14 arestado

Sharing is caring!

Isang notoryosong sindikato ng droga sa Mandaluyong City ang nabuwag dahil sa pakikipagtulungan ng barangay officials at mga residente nito.

Ayon sa ulat, 14 na miyembro ng “Junnel Adriano drug group” ang naaresto sa serye ng buy-bust na ikinasa sa lungsod.

Huling nadakip si Manuel Tumawas, ng Block 38, Sitaw Street sa Welfareville Compound, Barangay Addition Hills, alas-10:00 ng gabi noong Huwebes.

Ang 39-anyos umano na si Tumawas ang kanang-kamay ng sindikato na nakalista rin na drug pusher at user sa drug watch list ng barangay.

Nakuha ng pulisya kay Tumawas ang 17 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P531,000.

Inilunsad umano ang serye ng buy-bust matapos magposte ng video sa Facebook ang isang netizen kung saan makikita ang transaksiyon ng ilegal na droga ng grupo ni Adriano sa Block 37 Avocado Street sa Barangay Addition Hills.

Tuloy naman ang pagtugis sa lider ng grupo na si Adriano, 30-anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?