167

By

Sindikato nasa likod ng mga illegal vendor sa Maynila – Atienza

Binunyag ni dating Manila mayor at ngayo’y Buhay party-list Rep. Lito Atienza na mga sindikato ang nasa likod ng operasyon ng mga illegal vendor sa lungsod.

Lahat aniya ng mga commercial center sa Maynila ay nasisindikato.

Iba-iba umano ang mga sindikatong ito gaya sa Quiapo, Blumentritt, Carriedo, Avenida Rizal at sa Divisoria.

Pinakamalaki aniyang kumikita ang sindikato sa Divisoria.

Ang pahayag ni Atienza ay matapos unang isiwalat ni Manila Mayor Isko Moreno na sinuhulan siya ng P5 milyon kada araw para hindi galawin ang mga illegal vendor sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?