85

Sep 9, 2021 @ 12:43
By

‘Sindikato’ kumilos sa kontrata ng Pharmally – Lacson

Ibinunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na may sindikato sa likod ng Pharmally Pharmaceutical Corp., ang kompanyang nakakuha ng bilyong halaga ng kontrata sa gobyerno para sa pagbili ng medical supply para sa mga health worker.

Ayon kay Lacson, isang witness ang nagpahayag ng kagustuhang humarap sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa kontrobersyal na pagbili ng diumano’y “overpriced” na personal protective equipment, face mask at face shields na ginagawa ng Department of Budget and Management – Procurement Service (DBM-PS) sa ngalan ng Department of Health (DOH).

“Definitely, merong syndicate. Or apparently, sabihin natin, meron talagang sindikatong involved. You’ll be surprised, we are working on something that could further open up itong kaso ng Pharmally,” pahayag ni Lacson sa panayam sa ANC.

Sa paglutang ng testigo sa Senado, umaasa si Lacson na magbubunyag ang posibleng link ng Pharmally sa DBP-PS at DOH.

“We hope so. We haven’t talked to the person yet. But he already manifested his intention to fully cooperate,” sabi ni Lacson.

Bukod diyan, umaasa din ang senador na ang koneksyong ito ay mag-uugnay sa sindikato sa likod ng ‘government deal’ na kinuwestiyon ng Senado.

“I hope pagka nagtestify yung sinasabi ko, magoopen up lahat, maraming mabubuksan dito,” ani Lacson.

“I just hope the chairman of the Blue Ribbon committee as well as my colleagues will still continue with this investigation. That’s all I can say right now, we’re just waiting for some developments. I hope this can open up a whole lot of information,” pagpapatuloy pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?