14

Jan 17, 2021 @ 15:45
By

Sinas: Walang lugar mga adik sa PNP!

Pinasisibak ni Philippine Nation Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas ang dalawang non-commissioned police officer na nagpositibo sa drug test.

Kinilala ang dalawang pulis bilang sina Patrolman Reyland Lacap Intal mula Olongapo City Mobile Force Company at Patrolman Benhur S. Ismael mula 2nd Sulu Provincial Mobile Force Company.

Ani Sinas, walang lugar ang mga adik sa PNP.

“If left undetected, these two police rookies will continue with their drug use and perhaps influence others. They will have to go because there is no place for addicts in the PNP,” wika niya.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Ildibrandi Usana, nagpositibo si Intal sa paggamit ng marijuana sa isinagawang random drug test ng PNP Crime Laboratory noong Biyernes.

Samantala, nagpositibo naman sa paggamit ng shabu si Isamel.

Sambit ni Sinas, agad na dinis-armahan ang dalawa at isinailalim sa restrictive custody ng kani-kanilang mga unit habang umaarangkada ang imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?