32

Sep 17, 2020 @ 16:29
By

Sinas swak lang ma-promote bilang PNP chief – Año

Hindi na kuwalipikado sa anumang mataas na posisyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major Gen. Debold Sinas maliban sa pagtalaga sa kanya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP), ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Paliwanag ni Año, sa ilalim ng Republic Act 8551 o “Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998”, hindi maaaring i-promote sa mataas na posisyon ang sinumang police officer na paretiro na maliban sa PNP chief post.

“PMGen Debold Sinas is no longer eligible for promotion to a 3-star rank or occupy a 3-star position because RA 8551 prohibits the promotion of any officer if he has less than one year prior to his day of retirement except for the Chief PNP position. He can still vie to become C PNP but not to any 3-star position,” saad ni Año sa ulat ng Inquirer.

Tugon ito ni Año, National Police Commission chairman, sa sinabi ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan na deserving si Sinas na ma-promote.

Inaasahang magreretiro si Sinas sa Mayo 8, 2021, mas mababa na ng isang taon bago ang kanyang mandatory retirement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?