7

Nov 16, 2020 @ 14:53
By

Sinas sa pagdepensa ni Duterte: Natuwa ako at nahihiya

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na natutuwa siya at nahihiya rin sa muling pagdepensa sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng mañanita.

“I’d like to thank the President for the trust and confidence. Ako po ay parang… nahihiya na ako kay President. Lalong dinepensahan po niya ulit ako tungkol po doon sa mañanita,” pahayag ni Sinas sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame nitong Lunes.

“I have mixed feelings. Natuwa ako pero at the same time nahihiya. I am very happy for the support of the President for me as his Chief PNP. Thank you very much, Mr. President. Rest assured of our best in police service,” dagdag niya.

Magugunitang noong Sabado, inihayag ng Pangulo na walang kasalanan si Sinas sa inalay na mañanita o birthday serenade ng mga tauhan niya noon sa National Capital Region Police Office headquarters.

At kung mapapatunayan man aniyang may sala si Sinas ay pardon na ito.

Nahaharap si Sinas at ilan pang pulis sa mga reklamong kriminal at administratibo dahil sa naturang birthday serenade na lumabag umano sa ipinatutupad na mga health protocol laban sa COVID-19 gaya ng pagbabawal sa mass gathering.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?