40

May 20, 2020 @ 15:40
By

Sinas sa mga basher: Mag-move on na kayo

Umaasa si National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Debold Sinas na magmo-move on na ang kanyang mga kritiko kaugnay sa kontrobersyal niyang birthday mañanita.

Ani Sinas, nasabihan na siya ni Philippine National Police chief Archie Gamboa na maghintay ng final instruction kaya handa siya sa anumang mangyayari kaugnay sa isyu ng kanyang birthday celebration na binatikos dahil sa paglabag sa social distancing.

“Kapag sinabi ng Presidente I will not question this and sinabi ko sa mga tao I did my best, we did our best as a team so let it be whatever the decision we will comply and continue ang trabaho namin,” wika ni Sinas.

“At ayaw ko na po manisi… maski ‘yung mga sinabi ng detractors at bashers ko. Ayaw ko na po manisi. Ako, hopefully naka-move on na sila, kasi ako naka-move on na ko,” dagdag niya.

Nagpasalamat naman si Sinas sa pagtitiwala sa kanya ni Pangulong Duterte sa kabila ng kontrobersya sa kanyang birthday celebration.

“I would like to thank you for your trust and confidence. Thank you po, Mr. President at na-recognize n’yo po ako. Ako po ay natutuwa na at least the President recognized our effort,” saad ng NCRPO chief.

Martes ng gabi nang sabihin ng Pangulo na hindi niya sisibakin si Sinas dahil kailangan niya ito sa pagiging “honest” at “good officer”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?