218

Oct 16, 2019 @ 15:57
By

Sinas, pormal nang nanungkulan bilang NCRPO chief

Pormal nang umupo ang bagong hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Isinagawa ang turnover ceremony sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City dakong alas-nuwebe ng umaga.

Inilipat ni outgoing NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar kay Police Brigadier General Debold Sinas ang pamamahala sa NCRPO.

Pinangunahan ang naturang seremonya ng bagong talagang OIC ng Philippine National Police (PNP) na si Police Lt. General Archie Francisco Gamboa. Si Eleazar ay itinalaga namang Chief Directorial Staff sa PNP.

Nagpasalamat naman si Eleazar sa mga police station chief at station commander sa pagtupad sa kanilang tungkulin na gawing ligtas ang mga mamamayan sa Metro Manila gayundin ang patuloy na operasyon kontra droga.

Hiniling din ni Eleazar sa kanyang mga tauhan na suportahan ang kanyang 1987 batchmate na si Sinas bilang bagong NCRPO chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?