25

Mar 5, 2021 @ 15:48
By

Sinas papapayatin mga chubby sa PNP

Inilunsad ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas ang isang programa na layong papayatin ang mga parak na chubby sa pamamagitan ng tamang diet at ehersisyo.

Kaugnay ito sa selebrasyon ng World Obesity Day kaya naisipan ni Sinas na i-monitor ang kalusugan ng mga kawani ng PNP.

“Ang purpose ng Chubby Anonymous ay ito ‘yung guide namin. I will be joining them for the workout, monitoring ‘yung pagkain nila plus pa kwan sila ng weight loss pill,” wika ni Sinas sa isang talumpati.

Anang hepe, walang pulis ang dapat mag-absent sa programang ito.

“I did not devote time for you to make fun of it. So pagka usapan natin ay usapan. So authorized lang kayo ma-absent kung naospital kayo, nabangga kayo, o namatay kayo,” sambit niya.

“So kailangan if you join the program, committed kayo to change part of your habits at hindi ko kayo tatanggalin kung saan kayo na-assign para sa natural habitat natin nandoon kayo. Okay ‘di ba?” pagpapatuloy ni Sinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?