28

Dec 21, 2020 @ 18:02
By

Sinas nalungkot, nagalit sa pagpatay ng pulis sa mag-ina

Galit at lungkot ang naramdaman ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas sa naganap na pamamaslang ng isang pulis sa isang ina at kanyang anak na lalaki sa Tarlac.

Ayon kay Sinas, tinitingnan na ng PNP ang pag-aaral sa pamamahala ng galit ng mga pulis nito kasunod ng insidente ng pamamaril.

Ani Sinas, tila “okay” naman si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca dahil naitalaga ito sa crime laboratory ng Parañaque City Police at marahil ay hindi nito napigilan ang kanyang galit kaya nabaril ang mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio noong Linggo.

“I think when I discuss it with our neuropsychiatrist, we might have also a new study also on anger management of our people kasi kumbaga okay naman siguro siya kasi sa crime lab siya na-assign,” wika ni Sinas sa isang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes.

“He was assigned in crime lab and he is on not on the [field], kumbaga sa support aspect siya. Siguro hindi niya na-manage ‘yung anger niya kaya niya nagawa iyon,” dagdag ni Sinas.

“When I saw the video, of course [I was] angry and saddened that our policeman has committed such a crime. Of course as a commander, we are very angry and saddened that’s why I issued a directive to our unit commanders to please remind our people to hold their anger in any situation para hindi mangyari ang same incident,” sabi pa ng PNP chief. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?