48

Dec 3, 2020 @ 15:00
By

Sinas nabawasan ng 20 kilo

Ipinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Debold Sinas nitong Huwebes na 20 kilo ang natapyas sa kanyang timbang matapos ang apat na buwang masinsinang pagda-diet at exercise.

Ani Sinas sa panayam ni Karen Davila sa “Headstart” nitong Huwebes, siya mismo ang humirit na magpa-interview nang personal para maipakita ang pagbabago sa kanyang pangangatawan.

“Kasi para mapakita ko sa iyo na I reduced 20 kilos [timbang ng katawan],” aniya kay Davila.

“Strict diet and exercise po. Gusto ko face-to-face para iyong picture nating dalawa [Sinas at Davila] na ‘before and after’ para makita mong nangayayat at kung sino nangayayat,” dagdag niya.

“That’s almost four months program at of course nag-umpisa ako, I consulted the doctor. I have medical check ups. […] Of course, bawas inom, kung inom kaunti lang tapos sleep well,” patuloy pa ng PNP chief.

Pero sa halip na personal interview ay nag-online interview na lang sila para matiyak ang kaligtasan laban sa virus ni Sinas pati na rin ang mga empleyado sa newsroom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?