13

Nov 9, 2020 @ 14:55
By

Sinas ‘most trusted’ official sa PNP – Palasyo

Si incoming Philippine National Police (PNP) chief Debold Sinas ang pinakapinagkakatiwalaang opisyal ng pambansang pulisya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya siya ang hinirang na ipalit sa babakantehing puwesto ni PNP chief Camilo Cascolan.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos marami agad ang kumuwestiyon kung bakit si Sinas ang pinili ng Pangulo.

Sinabi ni Roque na trust and confidence ang pangunahing pinagbasehan ni Pangulong Duterte sa pagpili kay Sinas bukod pa sa pagiging drug crusader nito na isa sa kuwalipikasyong posibleng nagustuhan ng Pangulo.

“Let’s just say that appointment to the post is a matter of trust and confidence and he is for the moment the most trusted by the President,” ani Roque.

Bagama’t marami agad ang kumukuwestiyon sa appointment ni Sinas bilang bagong PNP chief, sinabi ni Roque na bigyan muna ng pagkakataong makapagtrabaho ang opisyal sa kanyang bagong tungkulin dahil may anim na buwan ito para patunayang karapat-dapat ito sa puwesto.

Kagaya aniya ng naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson, walang perpekto kaya tingnan na lamang ang naging achievements ng opisyal.

Pinawi ni Roque ang agam-agam ng publiko sa posibilidad na maabsuwelto si Sinas sa mga kinakaharap na reklamo partikular ang paglabag sa quarantine protocols dahil walang ganitong patakaran ang gobyerno .

“I don’t think so, that’s not how our laws operate,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?