111

Mar 18, 2021 @ 19:09
By

Sinas itinangging nabakunahan na kontra COVID

Pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas ang sinabi ng kolumnistang si Ramon Tulfo na naturukan na siya ng coronavirus vaccine.

Magugunitang naka-quarantine sa Camp Crame sa Quezon City si Sinas matapos magpositibo sa virus noong Marso 11.

Sa kanyang March 18 column sa Manila Times, sinabi ni Tulfo na hindi mamamatay sa COVID-19 si Sinas dahil kasama niya itong naturukan ng Sinopharm vaccine noong Nobyembre 2020.

“Sinas was inoculated with the smuggled vaccine along with his security escorts,” sambit ni Tulfo.

Agad itong itinanggi ni Sinas at sinabing hindi sana siya tinamaan ng virus kung bakunado na siya.

“Our chief simply said that if he had his vaccine, he could not have been infected with COVID-19,” ani PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana, na kino-quote si Sinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?