93

Dec 24, 2020 @ 11:09
By

Sinas humingi ng tawad sa pamilya Gregorio

Personal na nagtungo si Philippine National Police chief Debold Sinas sa Paniqui, Tarlac para makausap ang pamilya nina Sonya at Frank Gregorio, ang mag-ina na pinaslang ng pulis na si Jonel Nuezca.

Ayon kay Sinas, nakiramay at humingi siya ng paumanhin sa mga naiwan ng mag-ina.

“Una, pumunta po ako doon para makiramay po, at of course manghingi po ng sorry ng nangyari sa kanila,” saad ni Sinas sa ANC.

Aniya pa, nagpaabot din sila ng tulong pinansyal sa pamilya Gregorio, at siniguro na hindi nila kukunsintihan ang ginawa ni Nuezca.

Pinangako din ng PNP chief ang kaligtasan ng pamilya Gregorio.

Wala rin aniyang settlement na magaganap at nangakong tutuluyan na maparusahan si Nuezca, kasama na dito ang kanyang pagkasibak sa serbisyo.

“Walang settlement or anything. We will not compromise. Tuloy po ang kaso. Tuloy po ang dismissal ni Staff Sergeant Nuezca,” ayon kay Sinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?