331

Apr 1, 2020 @ 18:32
By

‘Sinampal’ ang Duterte admin! Kim Chiu pinagtanggol si Vico Sotto

Nag-react si actress Kim Chiu sa ulat na pinagpapaliwanag ng National Bureau of Investigation si Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa posibleng paglabag sa “Bayanihan Heal as One Act” dahil sa pagpayag sa mga tricycle driver na pumasada kahit may transportation ban.

Giit ni Kim, ang mahirap daw sa gobyerno, na kapag gumawa ka ng mabuti ay mga nakakataas ang makakabangga mo.

“Like what?????!!!! Yoko na!!!! Ang hirap sa ph govt, pag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mas nakakataas ang makakabangga mo, pag gumawa ka ng hindi mabuti kaming mga netizens lang ang kalaban mo at ang nakakataas ay [zipper-mouth emoji],” tweet ni Kim.


Pinalakpakan naman siya ng mga netizen at trending siya sa Twitter Philippines.

@heyrow: “Finally. Use your platform! The people need your help!”

@samgrep: “Yan ganyan! Kailangan nating magalit lahat sa kalokohan ng gobyernong to! I wish more celebrities will use their platforms to criticize whatever is wrong with this government. Thank you, Kim!”

@KaCheeRei: “Did Kim Chiu just snap at the government? Why, yes. Yes she did.”

May nagsabi namang hindi ang kabutihan ng alkalde ang usapin kundi ang pagsuway nito sa utos.

@kikilmokoeh: “Wala nmm question dun sa ginawa nyang kabutihan e. Ung pasuway nya sa utos ang kasalanan nya. Wlang pinagkaiba yan sa mga Drug lords. Kht namimigay sila ng pera sa mahihirap dpt pa rin sila hulihin kc lumabag sila sa batas. Mababaw n kaso lng nmn yan kayang kaya ni VICO yan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?