60

Dec 12, 2017 @ 16:39

Sinamantala na wala si Irving, Bulls kumawala sa Celtics

Sinamantala ng Chicago Bulls ang pagliban ni Kyrie Irving para pabagsakin ang Boston Celtics, 108-85.

Ginulantang ng 24 points ni Nikola Mirotic at 23 ni Bobby Portis ng Bulls (6-20) ang Eastern Conference-leading Celtics.

Nasira ang diskarte ng Boston sa magandang laro matapos maupo ang kanilang star point guard na si Irving dahil sa thigh injury bago ang laban nila sa Chicago.

Wala rin ang forward nilang si Marcus Morris dahil sa pamamaga naman ng kaliwang tuhod nito.

Dahil sa kakulangan ng tao, naging daan ito ng Bulls para dominahin ang laro sa pangunguna ni Mirotic na nakakuha rin ng eight rebounds.

Hindi pa natatalo ang Bulls mula nang bumalik si Mirotic galing sa injuries matapos lumiban sa 23 games ng koponan.

Ani Mirotic, maganda umano ang chemistry nila ni Portis na nakakapagbigay ng enerhiya sa kanilang team.

Samantala, nagkasya lang sa 15 points si Al Horford na isa sa limang players lang ng Celtics na may double figures.

Lumagak ang Boston sa 23-6 matapos matalo subalit sigurado na ang pagiging top sa Eastern Conference kasunod ang Toronto (17-7).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?