58

By

Sinalubong kasi: Vios inasunto vs. PNR train

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property ang driver ng isang Toyota Vios matapos humarurot sa paparating na tren ng Philippine National Railways (PNR), Linggo ng umaga sa Barangay San Lorenzo, Makati City.

Batay sa nakalap na ulat, naganap ang insidente bandang 5:45 ng umaga, Setyembre 22, 2019, sa kanto ng Sen. Gil Puyat Ave. at Ayala Avenue sa nasabing barangay nang mahagip ng tren na may body number MSC 458 at minamaneho ni Mark Jancent Dejona ang isang papalikong Toyota Vios na may plakang UVZ 769.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng tren ang kotse ni Martino Etim Espiritu, 54-anyos na residente ng Caloocan City na pinuwersa ang pagkanan at mabilis na sinugod ang riles kahit pa may paparating na tren.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Severino Baggayan ng Makati Police, papaliko ang kotse ni Espiritu sa Sen. Gil Puyat Avenue nang mahagip ito ng PNR train patungong south bound.

Sa ngayon, nahaharap sa asunto si Espiritu dahil nasa right of way ang tren na umaandar sa riles ng PNR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?