12

Dec 1, 2020 @ 19:41
By

Sinakto pa sa birthday! Wesley So pinataob world top woodpusher

Patuloy ang pag-arangkada ni Wesley So sa larangan ng chess matapos nitong talunin si Magnus Carlsen, ang namumurong woodpusher sa buong mundo.

Nitong Martes ay tinumba ni So si Carlsen para masungkit ang kampeonato sa Skilling Open.

Dahil din sa panalo, nagwagi ng $30,000 o P1.5M si So.

Nag-sorry naman si So dahil saktong natalo si Carlsen sa kanyang kaarawan.

“I’m very shocked, of course, to beat Magnus. He’s the best player in the world,” saad ni So, na nirerepresenta ang USA.

“Coming to the match, all I wanted to do is to put up a good fight and make the games interesting.”

Pinuri naman si Carlsen si So at sinabing hindi kahihiyan na matalo ng Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?