1,074
TNT-ABANTE-TONITE-trillanes
Jan 23, 2019 @ 17:05
By

‘Sinagad ko lang ang budget’ – Trillanes sa pagiging magastos na senador

Idinepensa ni Senador Antonio Trillanes ang pagiging “second top spender” na senador noong 2017 kasunod ni Senador Koko Pimentel na pangulo noon ng Senado.

Pare-pareho naman aniya ang badyet ng tanggapan ng lahat ng mga senador at sinagad lang ng kaniyang opisina ang paggamit nito.

“Every senator has the same budget allocation. My office merely utilized those allocations instead of realigning them for other purposes,” giit nito.

Sa report ng Commission on Audit (COA), sinabing pinakamalaki ang ginastos ni Pimentel noong 2017 kumpara sa lahat ng mga senador noon.

Nasa P127.8 milyon ang naubos ng opisina ni Pimentel. Nakapaloob dito ang pasuweldo sa mga staff at bayad sa professional at consultancy fees.

Sumunod sa laki ng gastos si Trillanes na gumasta ng P87 milyon.

Idiniin naman ni Trillanes na walang sinabi ang COA na may katiwalian sa kaniyang opisina.

“Just to be clear, the COA report didn’t cite any irregularity on my expenditure,” diin pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?