22

Sep 12, 2020 @ 8:53
By

Sinabihang mukhang pera, Abando nabanas sa basher

“Ah sabagay ganyan pala ang aso ‘pag ‘di ka kilala tatahulan.”

‘Yan ang banat ni Rhenz Abando sa isang basher matapos siyang sabihan na bata pa lang ito ngunit tila pera na umano ang habol ng manlalaro.

Si Abando ay umalis sa UST Growling Tigers matapos ang kontrobersyang kinasangkutan ng koponan dahil sa pag-eensayo sa Sorsogon kahit pinagbabawal pa ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ngayon ay nasungkit na ang collegiate star ng Letran, kung saan kasama niya sa paglipat ang mga naging teammate sa UST na sina Ira Bataller at Brent Paraiso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?