30

Nov 8, 2017 @ 18:54
By

Sin tax kumita ng 200% – DOF

Tumaas ng 200 porsiyento ang nasingil na sin tax sa mga buwan ng setyembre at oktubre, ayon sa department of finance.

Ito ay dahil sa pagbili ng Japan Tobacco Inc. sa Mighty Corporation.

Base sa datos ng kagawaran, noong Setyembre at Oktubre, 2016 umabot sa P2.071 bilyon ang binayarang sin tax ng Mighty Corp.

Ngunit sa katulad na panahon ngayon taon, umabot sa P6.2 bilyon ang binayaran ng Mighty Corp.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, base sa kanilang komputasyon sa Enero 2018, aabot sa P3.1 bilyon ang sin tax na babayaran na ng japan tobacco na mas mataas ng higit p2 bilyon sa binayaran ng mighty corp.

Binili ng Japan Tobacco ang Mighty corp., matapos makipag-ayos sa Bureau of Internal Revenue.

Nauna nang kinasuhan ng BIR ang Mighty matapos madiskubre na peke ang mga tax stamps sa mga kaha ng kanilang sigarilyo.

Kikita ang finance department ng higit sa P30 bilyon dahil sa nangyaring out of court settlement. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?