30
lrt

Simulators para sa pagsasanay ng train drivers, inilunsad ng LRTA

Sharing is caring!

Inilabas na nitong Miyerkoles ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang train-driving simulators sa Light Rail Transit System Line 2 (LRT2) para sa pagsasanay ng drivers ng mass rail transit system.

Ayon kay LRTA administrator Reynaldo Berroya, ang P74.7 milyong “upgrade” ay bahagi ng Philippine Railway Training Center (PRTC) na aprubado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagsasanay ng mga magiging train operator sa LRT-2.

Ligtas umano at matipid na paraan ito para sa pagtuturo kung paano magpatakbo ng tren, tamang pagmaniobra nito at kung paano i-troubleshoot.

Nakalagay sa LRT2 Recto station sa Maynila ang dalawang simulator units na kahalintulad ng itsura ng buong LRT2 system.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?