14

May 11, 2021 @ 14:03
By

Simula ng MPBL sa Hunyo 12 posible pa – Duremdes

Nananatiling positibo si Commissioner Kenneth Duremdes na kakayanin ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na simulant ang ika-apat na season nito sa Hunyo 12.

Gayunpaman, batid pa rin ni Duremdes na numinipis na ang pag-asa na makapagsimula ang liga sa nabanggit na petsa dahil hindi pa nabibigyan ng permiso ng Inter-Agency Task Force ang mga koponan na magdaos ng ensayo.

“There’s still hope for the league to open on June 12 but in my own opinion, we may not be able to make it to the June 12 opening since the teams have yet to start their training and some teams do not have complete lineups yet,” saad ni Duremdes sa isang panayam nitong Martes.

“And based on our experience last year during the championship, it took three months before the IATF issued us a clearance,” dagdag pa ni commissioner tungkol na rin sa kanilang karanasan noong 2020 Lakan Cup.

Dagdag pa ni Duremdes, kasalukuyan na silang nakikipagugnayan sa ilang local government unit na maaaring pagdausan ng ensayo.

Ayon pa sa kanya, 19 na koponan na ang siguradong makikilahok sa susunod na season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?