24

Sep 14, 2021 @ 16:55
By

Simpleng workstation pinasilip ni Bong Go

Ipinakita ni Senador Bong Go kung gaano kasimple ang kanyang workstation sa bahay.

Ginagamit daw niya ito kapag dumadalo sa virtual hearing sa Senado o kaya naman ay naghahatid ng mensahe sa mga pinadadalhan ng tulong at iba pang job-related activity na hindi niya personal na madaluhan.

Kung saan daw siya nag-oopisina ay doon na rin siya kumakain.

“Kapag natapos na ang termino namin ay uuwi na kami ng probinsya, kasi nakikita naman ng mga Pilipino kung gaano ako kasimple,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?