91

Dec 16, 2017 @ 13:42

Simoy ng Pasko ramdam na sa Baguio, 11.5 degrees naitala

Nagsimula nang bumaba ang temperatura sa Baguio City at maramdaman ang pagsisimula ng simoy ng Kapaskuhan.

Sa 5:00 a.m. report ng PAGASA, naitala nila ang 11.5 degrees Celsius na temperatura sa Baguio City.

Inaasahan naman umano na mananatiling mababa ang temperatura sa lungsod hanggang Pebrero dahil sa amihan.

Dahil naman sa lamig ay malakas ang bentahan ng jackets sa lugar.

Samantala, ramdam na rin ng mga residente sa Metro Manila ang malamig na panahon na nanunuot aniya sa kanilang mga balat lalo na sa umaga.

“Iba ‘yung lamig, nangangagat! Dahil diyan laging tulog ang mga tao dito sa bahay namin,” ani Rose Perez na taga-Tondo, Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?