162

Jan 8, 2021 @ 22:55
By

Simot mga computer, TV: Bahay ni Xian Lim ninakawan!

Bangungot na maituturing ni Xian Lim ang panloloob sa kanyang bahay.

Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, sinabi ni Lim na lahat ng TV at computer niya ay tinangay ng magnanakaw.

Puwersahan aniyang pinasok ang bahay niya dahil basag ang mga bintana at sinira ang mga metal grills pati na lock ng kanilang pintuan.

“The other day, I came home and witnessed a nightmare. I saw that a couple windows were shattered, metal grills hammered and filled down,” bungad ni Lim.

“Pag bukas ko ng pintuan, they left a piece of cloth in the front door (I guess to let me know that the place was robbed prior to entering? I’m not really sure) I looked around and saw that all the tvs and computer are gone. They also left two planks with nails sticking out. (I’m assuming that this is what they used to break the windows and the locks in the door..could also be used as a weapon? I dont have answers…),” patuloy ng Kapamilya actor.

Nasa apat na katao raw ang nagransak sa bahay nila at nai-report na niya ito sa mga pulis.

“Anyway, no need to elaborate on the details. Basically there was forcible entry and about 4 people ransacked my home. We are done with the police report etc. and we are now taking the neccesary steps and precautions to keep our place and everyone safe,” sey pa ni Xian.

Noong una ay takot at galit ang naramdaman ni Xian sa nangyari pero nang tumagal ay ipinagpapasalamat niya na walang nasaktan sa kanilang pamilya kabilang ang kanyang mommy, lolo at lola.

“At this point, I hope na kung sino man ang nanghimasok at nagnakaw ng mga kagamitan dito sa amin ay magamit niyo ang perang yan para mapakain ng husto ang pamilya niyo. Diyos na ang bahala sa inyo,” dagdag niya.

View this post on Instagram

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?