93

By

Simon, Pingris pasok sa PBA All-Star Game

Matapos mabakante noong nakaraang season, posibleng napapalapit na ang pagbalik-aksyon ng Magnolia forward na si Marc Pingris.

Ito’y dahil kasama ang kanyang pangalan sa mga maglalaro para sa North All-Stars bilang reserve.

Kanyang makakasama sa North sina Stanley Pringle, Jayson Castro, Alex Cabagnot, Gabe Norwood, Arwind Santos, Troy Rosario at Chris Banchero.

Para naman sa South, makakasama ang kanyang kakampi sa Magnolia na si veteran guard PJ Simon, kasalo naman sina RR Pogoy, Chris Ross, Baser Amer, Jio Jalalon, Poy Erram at Joe Devance.

Sina Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Paul Lee, LA Tenorio, at Marcio Lassiter ang napili ng mga fan bilang North starters, habang sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, James Yap, Mark Barroca, at Scottie Thompson naman ang para sa South.

Sa March 31 gaganapin ang All-Star Game sa Calasiao, Pangasinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?