17

Sep 23, 2020 @ 22:55
By

Simon nag-retiro tapos ng 17-taong paglalaro

Nagretiro na sa Philippine Basketball Association (PBA) si Peter June ‘PJ’ Simon ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok matapos ang 17 taon na paglalaro.

Inanunsyo ng basketbolista ang ang bagay via social media nitong Miyerkoles.

Ipinunto ng beteranong basketbolista mula Makilala, North Cotabaro, na hindi niya inakalang makakarating sa liga at mag-iwan ng kanyang sariling marka.

“Nakakalungkot man pero ito na siguro ‘yung tamang panahon para magpaalam sa liga,” kuwento ng 40-year-old, 5-foot-11 shooting guard. “Kinailangan kong umuwi ng Davao nu’ng magkasakit at namatay ang father ko at nahirapan na rin akong makabalik dahil sa pandemya. Sign na rin siguro ‘yun na ito na ‘yung tamang time para magretiro.”

Isa pa sa dahilan ng pamamaalam ni ‘Super-Sub’ ang kanyang pagpopokus sa kanyang pamilya.

“My wife is pregnant and gusto ko magkasama kami as we start a family. Sobra-sobra ang mga biyayang natanggap ko sa buhay ko especially sa aking PBA career at pinapasalamatan ko ng buong puso ang Panginoon. Naging sandalan ko ang Diyos sa bawat desisyon na aking tinatahak at pinapalangin ko na lagi akong gabayan ng Panginoon sa aking paglalakbay,” lahad ng eight-time champion at 8-time All-Star.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga boss, coach, teammate, staff at management, Magnolia franchise at PBA.

Huling namutawi kay Simon, “Umaasa ako na magkikita-kita tayo sa panahon na iretiro ang aking numero (8). This is PJ Simon, The Super Sub, Your Scoring Apostle, signing out.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?