227

Feb 10, 2020 @ 19:11
By

Simon Cowell bastos sa set – Gabrielle Union

Nakatakdang kasuhan ng aktres at dating America’s Got Talent judge na si Gabrielle Union si Simon Cowell dahil sa ginagawa ng huli sa set na banta sa kanyang kalusugan.

Ayon kay Union, na asawa ni Miami Heat legend Dwyane Wade, madalas umanong magyosi si Simon sa set, na nakakasama sa kalusugan ng mga nakapaligid sa kanya.

Sa report ng Daily Mail, malaking bagay umano ito para kay Union sa pangamba ng cancer at determinadong kasuhan si Simon dahil dito, na madalas umanong humithit sa oras na nakapatay ang mga kamera.

Si Union ay tinanggal sa show noong nakaraang Nobyembre, na kanyang nilarawan ang working environment ng talent show na ‘toxic’.

Aniya, nakaranas umano siya ng diskriminasyon sa mga crew ng nasabing show dahil sa pagsabing ‘too black’ umano ang kanyang hairstyle at pananamit.

Hindi naman tinatago ni Simon ang kanyang pagiging adik sa yosi, na nakakaubos umano ng 80 sigarilyo kada araw.

Tikom pa ang bibig ng kampo ni Simon sa alegasyon ni Union, maging ang NBC ay hindi pa nilalabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa nasabing reklamo ng dating host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?